...panu na nga ba ulet maging single? naku.. nakalimutan ko na. Yung walang ka ng aabangang mga texts, walang mga "I love You" sa umaga, walang pagsusmbungan kapag malungkot ka. Wala ng mga surprise dates, wala ng kilitian, wala ng PDA. Ganun. Pero less pa yan ng mga bagay na tunay na mami-miss ko kapag single na ko ulet. wala ng mga yakap; wala ng mga halik; at wala ng feeling ng security na kahit anu pang mess at pagkakalat ang gawin mo sa buhay, may isang tao pa ring magmamahal sau. Wala ng magsasabing "ikaw na lang ang nagpapasaya sa akin", "para sa future ito", "may sasabihin ako sau, love kita!! wala lang!"... ang lungkot noh?
iniisip ko na lang, masaya naman ang naging relationship namin. alam kong minahal nya talaga ako at madami syang ginawa na talagang hindi na mawawala sa puso ko. kaso lang, ang msamang balita ay, nanlalamig na sya eh. yung tipong, nagde-depreciate na ang love nya. alam mo ba, nung unang nangyari saking iniwan ako, ganito rin ang case. nanlalamig, pero ayaw makipag break. so that time, ako ang nakipag break. kasi nga hindi na ako mahal di ba? pero nung pa't nagtanong-tanong na ang mga tao sa sudden breakup namin, naka- nang- putcha, pinalabas nya sa mga tao na ako naman daw ang nakipag hiwalay. so, well ang tingin ng mga tao, ako ang masama. ako daw kasi ang nawalan ng pag-asa. kaya alam mo ba, sa relasyon ko ngayon sa bf ko na to (yung subsequent sa na-mention kong bastard), talagang i did the best that i can to save what we have. kasi nga, baka naman pagtitiis ang gusto ni God na ma-test sa pagkatao ko. Okay naman si current BF eh. mapagmahal, responsable at resourceful sa buhay. Kung baga, kung sino man ang mapapangasawa nito, tiyak, buhay na. Kaso nga lang, ganun eh. Mukhang hiindi na ata ako mahal. Malaking problema yun di ba? Yun ung tipong kahit ano atang save mo, eh wala na sayo ang bola eh. Hindi na ako ang may problema. Sya na. Kaya kahit siguro maglabasan na ang mga litid ko sa kaka-explain at kakatanong kung ano ang pwede kong gawin para bumalik sya sakin.. ay wala rin syang maisasagot. At least, tuwing nalulungkot ako, naaalala ko na lang ang past ko before i met him...
sige, kwento ko sau... alam mo, when my ex and i broke up,, i was so devastated. galit na galit ako. as in kung pede ko lang durugin ang heart ko para hindi na sya magmahal ulet. plus, ito pa, galit na galit din ako sa self ko. kasi, parang alam mo yon, ang dali nyang maka-move on tapos ako hindi. Then, alam mo, sbi ng best friend ko sakin.. " God cant mend a broken heart, if you dont give him all the pieces".. so i was stunned. Di ba nga totoo. That's what i did. Time passed i prayed every night for peace and forgiveness, and miraculously, i felt better. Im not bitter anymore, and i learned not to care about my ex. Yun tipong, clean slate. It took me around four months to do this. we broke up July 9, 2004, so mga November, i was a free spirited na. Masaya na ko in my own ways as a single, unattached person, and i met new people. And i mean new people,kasi that's when i met my current BF. I fell in love with him, gradually. Kc nga, i dont trust my heart any more that time, kaya ang dami kong doubts non. pero alam mo, i prayed ulet everynight, AT WELL.. KINAIN KO RIN ANG SINABI KO. Sabi ko kc sa sarili ko, hindi na ako ulet magmamahal. pero one night, i made a confession to myself na, kahit anong control pa, you can nevr stop your heart from beating again. so i gave our relationship a shot. That's around April 2005. It was never an easy journey for us.. pero one thing is for sure. Nakapag mahal ako ulet. God made it happen, nagtiwala lang ako sa kanya. and he freed me. yun ang nangyari before. So thats possible ulet di ba?
Ang buong tiwala ko, as in kay God ko na binibigay. My relationship with my current bf ay talagang reaching for its recession. ewan ko ba, iniisip ko, bakit ba sa tuwing nagmamahal ako, ako naman, ang naiiwan. Pero wala naman akong magagawa don di ba? Will ni God yun eh. Saka in the first place, sya rin naman ang nagbigay kay current bf di ba? I was in pain; even worse than the wilderness when i found the love of my life. My current BF talaga ang mahal na mahal ko. Kaya nga nalulungkot ako eh. kasi baka naman, naisip ni God, tapos na ang time na allotted for the two of us. Its time for us to move on alone na. Isipin mo, nung kaka-break ko lang kay EX, may mga moments na namimiss ko yung feeling ng may nagmamahal sakin. Tapos dumating si Current BF. Wala akong reason para magtampo kay God; kasi nga, i know deep down sa puso ko, naramdaman ko naman un. walang rason para maging bitter ako. Malungkot nga lang, nakakapanibago, at talagang masakit. pero nga, tulad ng sinabi ko kay current bf, wala namang hindi nahi-heal ang time. Tested ko na yun.
isa lang ang takot eh. yun bang AUTOMATIC na maghold on ang puso ko sa kanya. alam mo na. yung tipong, hindi sya maalis. pero sabi nga ni Joe d mango, mas masasaktan ako kung pipilitin ko syang alisin sa puso ko. bayaan mo lang yung. it will eventually die a natural death. yung starvation in human terms. mahal na mahal ko kc talaga sya. at hinihiling ko na nga lang, na si God na ang mag bigay sakin ng peace of mind at sana i-heal na nya ang heart ko.